Hindi ko lubusang napag-isipan ang estado ng pagiging miyembro ko ng organisasyong ito. Bigla na lang, tinignan ko ang mga mensahe sa e-mail ko at nalamang probie ako. Aaminin ko na, noong unang semestre, nagbabad ako sa pagiging gabayano. Natural lang naman diba? Isa-isa muna. Dahan-dahan muna upang makahanap ng puwang sa lupain ng Ateneo. Buti na lang at sumipot ako isang araw sa RMT at nagsimulang magtrabaho. Hindi ko alam kung bakit. Naganahan ako noong makita ang produksyon, noong sinimulan ni Mika akong ipakilala sa mga tao.Natanto ko na hindi ako itinakdang maglingkod lamang sa iisang organisasyon.
POINT BEING: SA SIMULA PA LANG, NAG-APPLY AKO SA ENTABLADO, TINANGGAP AKO AT SA PAGKAKATANGGAP KONG IYON, NAGKAROON AKO NG RESPONSIBILIDAD AT PANANAGUTAN SA MGA TAONG IPINAGKALOOB ANG PUWANG NA BINIGAY SA AKIN NG ENTA.
Oo, totoo nga ang "It's better late than never." Grabe, sinusubukan ko talagang makabawi ngayon.
Sa huling proyekto ng socpol (kapihan-usapan), sasabihin ko na, nadismaya ako sa turnout. Medyo lang, trenta ang pakete ng kapeng binili at ang onti ng pumunta. Pero, maliit lang yoon na isyu. (haha...babaw ko naman kung ganoon lang naiirita na'ko.) Oo, alam kong kasabay ito ng refresher course pero nasaan ang socpol? Ilan lang kaming nagpakita?kami lang na nagayos ng proyektong yoon ang nagsipunta. Sana lang...suporta...kahit dumaan man lang ng limang minuto okay na okay na sa'kin.
Nakakokonsensya na ganito ako makapagsalita eh sa ngayon lang ako nagpakita. Ang rason ay na sa sa ngayon ko lang naranasan ang hirap ng medyong pamumuno sa isang proyektong alam kong makatutulong sa pag-intindi ng mga mamamayan sa isang isyung makaaapekto sa lahat. Noon ko lang nalaman na kaya ko pa lang imulat ang ilang mga tao sa mga katiwalian na nangyayari. Kung tutuusin, nagsisimula na ang init ko. (nyak..init...pero seryoso ako.)
Goodluck sa'kin next year...Nawa'y bumawi kayo ngayon.
Salamat Entablado. Salamat SocPol. Sorry at nahuli ako...
(senti mode ni jika...wahaha!)
JIKA REGALA
I AB Humanities